boss admin... pasensiya na po kayo kung napapansin nyo netong nakaraan araw na puro palitan na lamang maaanghang na salita o di kaaya-ayang mga kataga, na minsan ay mistulang mga animo'y mga bata na nag-aaway ang mga manlalaro dito kasama na po ako, dahilan po siguro ito ng di pagkakaunawaan at kawalan respeto sa kapwa manlalaro, sana po ay habaan nyo pa ang inyong pasensya at unawa sa amin...
pero kung mapag-aaralan nyo po ang mga paksa kaugnay dito, nagmumula lamang ito sa mga maling paratang sa isa't-isa na sanay ay malunasan na at magkaroon na ng pagwawakas...
tayo'y nagmumula sa iba't-ibang lugar at maaring hindi tayo nagkakasundo sa paniniwala at prinsipyo sa buhay, pero... siguro naman po ay, pare-pareho natin mahal at kinagigiliwan ang larong ito, kung kayat... mga kasama sana po ay magtapos na ang ganitong gawain at mamayani na ulet ang dating camarada sa bawat isa, ito p ay aking pakiusap lamang...
maraming salamat po at asahan nyo po ang aking kooperasyon patungkol dito...
gumagalang, sumasaludo at patuloy na sumusuporta sa inyo,
joshua
