ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Comments, discussion, announcements
arc
Posts: 17
Joined: Sat Feb 14, 2009 3:24 am
Location: laguna,phillipines
Contact:

ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by arc » Sat Dec 24, 2016 5:30 pm

DEAR ADMIN, Paki ayos naman ng staff nyo nakalaban ko isa sa kanila HE1HACHI nick ubos na pyesa nya at alam nya na talo na sya pero bigla nya inubos ang time ko at alam din nya iyon sa tagal ko na pong naglalaro online since 2008 pa po 1st time nangyari sa akin yon at naitanong ko sa mga naglalaro online kung admin sya isa daw po sya sa ADMIN, dalawang beses po nangyari iyon at pagkatapos noon ay sa 3 laban ay di na ko nanalo sa palagay ko kita nya na ang piyesa ko.Ang sa akin po ay maging patas lamang ang laban kahit sila ang may nakakaalam ng Sistema ditto sa online game para maging maganda at maayos ang bawat laro.ty po sana po ay bigyan nyo ng pansin ,maraming salamat po muli.
admin
Site Admin
Posts: 313
Joined: Mon Feb 18, 2008 3:52 am

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by admin » Tue Dec 27, 2016 6:54 am

Arc, kung sa paningin ninyo ay nadaya kayo, puedeng iyon ay dahil sa limitasyon ng server.
Si Heihachi ay walang koneksyon sa site, hindi siya moderator o admin, walang kinalaman ang site sa ano mang kalokohan ng iba. Huwag paloloko sa sinasabi ng iba. Pasensiya na lang kung nabawasan rating ninyo.

-Admin
genRIDEN
Posts: 194
Joined: Sat Apr 05, 2008 3:26 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by genRIDEN » Wed Dec 28, 2016 3:18 pm

Ako rin si HEIHACHI. Bro pinaliwanag ko sayo na moderator ako at hindi admin. at the same time hindi ako hacker . Hindi ko rin kailangang mandaya para manalo sa laro. laro laro lang pre. kung adik ka lang siguro..

kung na DC tayo parehas lang tyo 2. Yung unang game kahit ako nabigla, dami mo pang oras. Pero ano sabi ko, tuwing meron nanunuod sa kibitz sa atin nangyayari lag o anomalya. Nung nawala si MAYWEATHER sa kibitz umayos at nagtuloy laro natin.

Basa basa ka muna pati at wag puro reklamo. Wlang staff dito, charity na nga to na dapat nating pasalamatan. Wlang pera na nakukuha ang site na ito sa atin , kaya hinay hinay lang na kung makapag demand eh para kang subcriber.
kuya123
Posts: 5
Joined: Wed Apr 18, 2018 2:18 am

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by kuya123 » Fri Mar 29, 2019 7:41 pm

Napansin ko rin yung mga akusador na bullies pa. Sabi hacker ako dahil dc sila. kuyz
SIRCAT
Posts: 38
Joined: Mon Jan 02, 2012 12:08 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by SIRCAT » Tue Apr 02, 2019 9:56 am

Para sa lahat ng manlalaro dito:

Hindi ako admin at isa din ako sa mga moderator dito. Naranasan ko na din na matalo dahil sa ganyan at WALANG KINALAMAN ANG ADMIN dito. Kilala ko din si Genriden at mahusay na player yan. Sa mga magagaling na player HINDI NILA KAILANGANG MANDAYA. Ginagawa lamang ito ng mga hindi marunong ng game.

Marami ding bullies dito kaya siguro binawasan ang chat loads ng admin. Dapat talagang magpasalamat tayo kay ADMIN dahil kung wala ang Salpakanna, malamang matuluyang mamatay ang laro.

Gusto ko ding ibalita na tututok na ako sa una kong plano na i revive fully ang game thru tournaments. Please check PhilGGO in Facebook for announcements.

Long live GG! This year marks its GOLDEN YEAR since it was invented in 1969

SIRCAT
bunso
Posts: 32
Joined: Mon Oct 04, 2010 4:38 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by bunso » Mon May 13, 2019 2:11 am

Excuse me po, Sa isang observer's point of view, hindi fair na bigyan ng kapangyarihan as moderatior ang isang manlalaro. Paano kung siya ang abuso sa authority? Naranasan ko din kasing ma discriminate ng isang player na may moderator capacity. Eto yung sinasabi ko na para na rin siyang Admin. Hindi ka naman siguro makapg cecensor ng conversation kung wala kang technical access sa site. Ang pagiging moderator practically ay may Admin access. To moderate is to administer the site. Hindi po ako inosente sa technicalities ng mga program. Nagtrabaho po ako sa isang IT company. Malaking bagay po kung mapapractice natin ang fairness and justice sa administration ng site. Salamat po.
bunso
Posts: 32
Joined: Mon Oct 04, 2010 4:38 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by bunso » Mon May 13, 2019 2:24 am

Kaya hindi niyo masisisi na maghinala ang player na nakaranas ng hindi maganda sa kamay ng isang manlalaro na may admin o moderator access. Sa totoo lang po, sa lahat ng player na may moderator capacity, hindi po tumataas ang credibility niyo sa mga players. Nababawasan po on the other hand. Nakakapagdagdag po ito ng duda lalo na't sa mga pagkakataon na may nangyayaring hindi pangkarainiwan sa laro, technically speaking. Kayo man po ang lumagay sa sitwasyon ng ordinaryong player, makakapag isip din po kayo ng hindi maganda. Salamat po.
Sirbones
Posts: 5
Joined: Mon Apr 01, 2019 11:15 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by Sirbones » Mon May 13, 2019 3:28 am

Kung ganyan nga ang nangyayari eh dapat walang kahit anong authority or access sa site ang kahit na sinong player to avoid cheating possibilities and accusations coming from other players. Kahit na sabihin pang magaling or superior type player ka, so "cheating isn't necessary for you to do so?" that's just not a valid reason. Whatever you say, having a power of an authority makes you vulnerable to cheating even if you hindi ka cheater. That's an act of being bias. If you can't prove na walang dayaan na nangyayari dito, then this site is unfair and so are the admins. I dont hold any grudge sa admin but concern ko lang is yung FAIRNESS throughout the game and yung guarantee na walang dayaan na nangyayari dito not just for me but for the sake of all players. Thank you very much for understanding !! And I hope mawala ang duda and disappointment ng iba pa nating mga players :)
bunso
Posts: 32
Joined: Mon Oct 04, 2010 4:38 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by bunso » Mon May 13, 2019 3:50 am

Sirbones, your opinions are very true and I agree 100 percent. Yan din po palagay ko ang sentimyento ng mga ordinary players na nakakaranas na unfairness sa administration. And having those special access for those special players, that is tantamount to injustice and subject for abuse at any given time. Salamat po.
Sirbones
Posts: 5
Joined: Mon Apr 01, 2019 11:15 pm

Re: ADMIN PLEASE PAKI AYOS STAFF NYO

Post by Sirbones » Mon May 13, 2019 3:55 am

Well, I dont mean to disrespect the admin and I'm sorry if I did and if I ever gave false accussations. Suggestion ko lang po is maglabas kayo ng list of players na may high authority dito sa site na ito or atleast everytime they log in pakilagyan sila ng mark sa names nila na either admin sila or moderator or kung ano mang position nila. This is just a suggestion and it is up to you guys kung gagawin niyo to. Either way, I'll gladly accept and respect your decision naman po. Thank you :)
Post Reply